Linggo, Enero 1, 2012

Ang Kubo ng mgaPaslit


                     Masayang naglalaro ang tatlong bata sa ilalim ng puno tabi ng dating tuyong palyan sa gilid ng kalsada.  Dati rin nila itong pinagbibingwitan ng isda para sa kasiyahan.  Sa kalagitnaan ng paglalaro naisip ni Bentot na gumawa sila ng maliit na bahay na parang silungan lamang.  Ang dalawa ay nagtaka kung paano gagawin ang balak ni Bentot.  Inisa-isa ni Bentot ang plano niya.  Dali-daling kumuha ng gamit ang tatlo.  Si Bentot kumuha ng tali at ilang dahon para sa pag-gawa ng matino at magandang bubong.  Yung isa kumuha ng dahon ng saging na kulay luntian dagdag sa bubong ng bahay.  Yung isa kumuha ng nagkalat n yantok at iilang sawali para sa pag-buo ng matibay na ding-ding.  Pagka-ipon, itinusok nila ang apat na posting yantok sa malambot na lupa ng natuyong palayan, linagyan ng brace, ginawa ang mga pader at ang mababang bubong.  Saktong-sakto ang pagtapos sa tinawag nilang kubo dahil oras na ng siyesta.  Nakatulog sila sa sobrang pagod.  Damang dama sa mukha nila ang pagod at tagumpay sa pag buo satinawag nilang kubo .  Nang sila ay magising may pag-kain sila na saging , hopya at maiinom sa tabi bigay ng magulang ni Bentot.

            Natulog ng sabay , kumain , humalakhak , magkwentuhan , naglaro , nagpahinga , mga bagy na nagwa nila sa kubong tinayo nila sa maikling oras. Palubog na ang araw at kailangan ng mag-paalam sa isa`t isa at pati sa munti nilang bahay dahil yun na rin ang araw ng pagkasira ng kubo dahil sa bagyong dumaan nung gabing iyon,napuno ng tubig ang palayan at unti-unting lumubog ang bahay ng tatlo.



Malayang Paksa..

Reflection (Magkabilaan ni Joey Ayala)

               Tugma   ang  Title  ng  kanta  at  nilalaman  ng  kanta.  Talagang Pinaninidigan ng  title  ang  mga  nakapaloob  sa  liriko.  Ngunit  masyadong  exaggerated  ang  paninindigan  ng mga  liriko  na  talagang  magkabilaan  na  lang  talaga  ang  makikita. 
Sobrang  lalim  ang  pinaghuhugutan  ng  mga  liriko  na  parang  pinipilit  maging  pantay  ang  bawat  tao  sa mundong  ito kahit  sa kanta  lang  mangyayari  dahil  alam  ko  naming  hindi  matutupad  ang  mga  ito.   Magaganda  ang  pag-kakaisip  sa  mga  salita  sa  kanta  at  maganda  rin  ang  pag-kakaayos  ng  liriko.   Mahirap  kasing  mag-hanap  ng  kabaligtaran  ng  mga  salita.
Sa  Tono  medyo  oldies  yung  tunog  na  medyo  nakakantok  at  nakakadala  ng  diwa  na  pwedeng  ma-uwi  sa  pag-iglip.  May  mga  parting  pinipilit  maging  magkatunog  na  maganda  at  nakkabilib  ang  kinalabasan  at  may  mga  mag-kakatunog  naman  talaga.  Ang ganda  ng  tunog  ng  string  na  nakakapagpa-angat  sa  liriko  para  makapag-isip  ang  mga  tao  na  ang  mundo  ay  hindi pantay  ang  tingin  sa  kapwa  nila  tao.    Maganda  din  yung  ending  parang  hindi  matapos-tapos.
Ganda  rin  nung  background  nakatugma  sa  tono  na  nakaka-antok.  Naka-labas  ng  pride  ng  mga  Pilipino  at  masasabing  maipagmamalaki.
 Maganda din  yung  boses  ni  Joey  Ayala,  parang  country song  na  isa  sa  gusto  kong  pakinggan.  Tagalog  yung  kanta  kaya  medaling  maintindihan  kahit  anong  antas  sa  lipunan  pag-dating  ditto  sa  Pilipinas.  Nakakabilib  din  dahil  medyo  mahirap  kumanta  habang  may  instrument  kang  tinutugtog.
Yun  nga  lang  hindi  napapabulaanan  kung  ano  yung  sinasabi  sa  liriko  halimbawa  na  lang  yung  sa  unang  stanza  ``Ang katotohanan ay may dalawang mukha``  walang  kasunod  kung  ano  yung  dalawang  mukha  na  yun  pero  naisip  ko  na  mahirap  talagang gawan  ng  ganon  pag  kanta  dahil  hahaba  at  baka  maging  pasyon  na  wala  sa  tono.


http://www.youtube.com/watch?v=z4BLbps8Hdg



                Pero  sa  Kabuuan   Maganda  dahil  naunawaan  ko  lalo  ang  pamamalakad   sa  Mundo  at  mga  kaugalian  na  talagang  hindi  pantay  ang  mga  tao  sa  bawat  isa.  Kailangan  mo  na  lang  intindihin  ang  kalagayang  ito  na  hindi  na  talaga  mag-babago.  Nalaman  ko  rin  lalo  na  kung  ano  ang  kalakasan  nila  ay  yun  din  ang  pwedeng  maging  kahinaan  nila,  kung  ano  sila  yun  din  ang  tatalo  sa  kanila.  May  mga  sarili  ang  kalaban. 
Sa  linyang  ito   `  `Bulok  na  ang  haligi  ng  ating  lipunan  ``  napaka-ikli  pero  maraming  pinapahayag.  Para  sakin,  parang  pinapahayag  yung  mga simpleng  tao  na  gumagawa  ng  krimen  at  mga  kurakot  at  buhaya  sa  gobyerno. 
``Ay may pinapaslang na nabubuhay nang walang hanggan.``  isa  sa  mga  gustu  kong  linya  dahil  dito  mo  masasalamin  ang  kahirapan  na  dulot  ng  hinanakit  at  kailanman  ay  mahirap  pahilumin.

Biyernes Alas Otso ng Umaga



Pag-tapos kong gawin ang mga dapat gawin pagtapos gumising. Kumuha ako ng Kape na may gatas atsaka sinangag na kanin at bacon n sobrang alat. Kumakain ako at humihigop habang pinanunuod ko ang pang umagang palabas sa telebisyon. Humihigop ako ng kape nun nang biglang tumalon yung pusa namin sa may bandang paa ko at napabuga ako ng konti sa katabi ko. Pagtapos kong kumain linagay ko n lang sa tabi yung pinagkainan ko pagkatapos , pinatay ko ang telebisyon para tumungo sa kusina .Sinindi ko ang kalan para i-painit ang sabaw na ihahanda sa darating na mga bisita at sa mga mamamaskong mga bata. Konting lakad at pawalis-walis habang may humaharang na makukulit na pusa. Dinampot ko ang punong basurahan at linagay sa tapat ng bakuran para kunin ng mga basurero na nakasakay sa truck ng basura. Pagkabalik, sinara ko na ang pinto at tinungo ko ulit ang kusina at pinatay ko ang kalan dahil kumukulo na ang sabaw ng bulalo na nakalagay sa malalim at malaking kaldero na ihahanda sa mga taong dadating. Hinanda ko na ang mga pinggan na gagamitin para hindi n mahirapan ang kasama ko sa bahay sa paghahanda. Tinawag ako ng tita ko para magpaturo ng ilang bagay tungkol sa kamerang dala niya. Napaiglip ako ng kaunti dahil sa puyat dala ng pagsimba naming noong simbang gabi. Magtatanghalian na nang tawagin ako para dalhin ang mga gamit na ginamit nung nag-agahan ako atsaka andun n din daw yung mga bisita nila. Paglagay ko sa lababo nung mga pinag-gamitan ko pinalagay na rin sakin yung kalderong malaki at malalim sa isang kahoy na table na mas mababa kaysa sa kalan naming para mas medaling kumuha ng mainit at umuusok na sabaw, pero pag hawak ko sa kaldero hindi ko namalayang hindi pala ako naka-suot ng gwantis na ginagamit sa kusina kaya napaso ako at napasigaw ng kaunti at narinig ng mga bisita. Medyo nahiya ako dahil lahat sila nakatingin sa akin buti na lang kakilala ko yung iba kaya dinaan ko n lang sa ngiti at yun linagay ko na ang kaldero at nilagay sa kahoy n tabla.