Tugma ang Title ng kanta at nilalaman ng kanta. Talagang Pinaninidigan ng title ang mga nakapaloob sa liriko. Ngunit masyadong exaggerated ang paninindigan ng mga liriko na talagang magkabilaan na lang talaga ang makikita.
Sobrang lalim ang pinaghuhugutan ng mga liriko na parang pinipilit maging pantay ang bawat tao sa mundong ito kahit sa kanta lang mangyayari dahil alam ko naming hindi matutupad ang mga ito. Magaganda ang pag-kakaisip sa mga salita sa kanta at maganda rin ang pag-kakaayos ng liriko. Mahirap kasing mag-hanap ng kabaligtaran ng mga salita.
Sa Tono medyo oldies yung tunog na medyo nakakantok at nakakadala ng diwa na pwedeng ma-uwi sa pag-iglip. May mga parting pinipilit maging magkatunog na maganda at nakkabilib ang kinalabasan at may mga mag-kakatunog naman talaga. Ang ganda ng tunog ng string na nakakapagpa-angat sa liriko para makapag-isip ang mga tao na ang mundo ay hindi pantay ang tingin sa kapwa nila tao. Maganda din yung ending parang hindi matapos-tapos.
Ganda rin nung background nakatugma sa tono na nakaka-antok. Naka-labas ng pride ng mga Pilipino at masasabing maipagmamalaki.
Maganda din yung boses ni Joey Ayala, parang country song na isa sa gusto kong pakinggan. Tagalog yung kanta kaya medaling maintindihan kahit anong antas sa lipunan pag-dating ditto sa Pilipinas. Nakakabilib din dahil medyo mahirap kumanta habang may instrument kang tinutugtog.
Yun nga lang hindi napapabulaanan kung ano yung sinasabi sa liriko halimbawa na lang yung sa unang stanza ``Ang katotohanan ay may dalawang mukha`` walang kasunod kung ano yung dalawang mukha na yun pero naisip ko na mahirap talagang gawan ng ganon pag kanta dahil hahaba at baka maging pasyon na wala sa tono.
http://www.youtube.com/watch?v=z4BLbps8Hdg
Pero sa Kabuuan Maganda dahil naunawaan ko lalo ang pamamalakad sa Mundo at mga kaugalian na talagang hindi pantay ang mga tao sa bawat isa. Kailangan mo na lang intindihin ang kalagayang ito na hindi na talaga mag-babago. Nalaman ko rin lalo na kung ano ang kalakasan nila ay yun din ang pwedeng maging kahinaan nila, kung ano sila yun din ang tatalo sa kanila. May mga sarili ang kalaban.
Sa linyang ito ` `Bulok na ang haligi ng ating lipunan `` napaka-ikli pero maraming pinapahayag. Para sakin, parang pinapahayag yung mga simpleng tao na gumagawa ng krimen at mga kurakot at buhaya sa gobyerno.
``Ay may pinapaslang na nabubuhay nang walang hanggan.`` isa sa mga gustu kong linya dahil dito mo masasalamin ang kahirapan na dulot ng hinanakit at kailanman ay mahirap pahilumin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento